Ang Victims of Trafficking and Violence Proteksiyon Act /Batas para sa mga Biktima ng Human Trafficking at Proteksiyon sa Karahasan ay isinabataas noong Oktubre 2000. Ayon sa paliwanag ng batas na ito ang mga biktima ng human trafficking ay mahahati sa tatlong uri ng populasyon.
- Mga batang wala pang 18 taong gulang na hinikayat/itinulak sa pagbebenta ng seks.
- Mga may edad na 18 taong gulang o higit pa na hinikayat/itinulak magbenta ng seks sa pamamagitan ng dahas, panlilinlang, o pamimilit.
- Mga bata at mga may sapat na gulang na hinikayat/itinulak na magtrabaho o magbigay ng serbisyo sa pamamagitan ng dahas, panlilinlang, o pamimilit.
Naganap sa Anchorage, Alaska ang kauna-unahang pederal na pag-uusig sa Estados Unidos matapos maisagawa ang batas na ito. Lahat ng mga tauhan ng AIJ ay nakipagtulungan sa FBI, US Atorney’s Office, at sa Immigration and Naturalization Service upang makatiyak na ang 7 mga biktima ay magkaroon ng kaligtasan at proteksiyon.
Ang mga biktima ng Human Trafficking ay karaniwang naaakit sa mga walang katotohanang pangako tulad ng malaking pagkakakitaan o kapaki-pakinabang na hanap buhay, katatagan, edukasyon, o isang mapagmahal na relasyon. Ang mga biktima ay maaaring mga lalaki o babae, mga nasa hustong gulang o mga bata, mga taga ibang bansa, o mga U.S. citizens. Ang mga biktima ay galing sa iba’t ibang etnikong pangkat at panlipunan-pangkabuhayang karanasan, may iba’t ibang antas ng edukasyon, at maaaring sila ay mayroon o walang dokumento sa imigrasyon.
Ang binibiktima ng mga traffickers ay mga taong may higit na kahinaan dahil sila’y yung mga naglayas at walang tirahang mga kabataan, gayon din ang mga biktima ng karahasang pantahanan, sekswal na pang-aabuso, digmaan o labanan, o kaya’y diskriminasyong panlipunan. Ang mga taga ibang bansa o dayuhan ay nagkakaroon ng malaking pagkakautang sa mga traffickers o iba pang ahente dahil sa kanilang malaking pingbayarang recruitment at travel fees. Dahil sa ang mga traffickers ang gumagawa ng paraan upang makakuha ng mga work visa na hindi madaling kunin, may kapangyarihan silang kontrolin ang mga biktima. May kakulangan din ng kaalaman ang mga biktima sa kapaligiran, sa mga batas at mga karapatan, kahusayan sa wika, at pang-unawa sa kultura.
Maraming paghamon ang hinaharap ng mga biktima upang makakuha ng tulong . Maaaring kumpiskahin ng mga traffickers ang kanilang mga dokumento ng paagkakakilanlan at pera. Maaaring hindi sila marunong magsalita ng Ingles. Maaaring hindi nila alam kung nasaan sila, sa dahilang madalas silang inililipat. Kadalasan hindi sila pinapayagang makipag-usap sa kanilang pamilya o mga kaibigan. Maaari ring nababagabag silang magtiwala sa iba, dahil sa impluwensiya ng kanilang traffickers at sa mga makapangyarihang taktika nila.
Karaniwang Trabaho at Kalagayan ng Pamumuhay: Ang/Ang Mga Taong Pinag-uusapan
- Ay hindi malayang nakakaalis o ,makababalik kahit gustuhin nila
- Ay wala pang 18 taong gulang at nagbebenta na ng seks
- Ay kalahok na sa industriya ng pagbebenta ng seks at mayroong bugaw / manedyer
- Ay hindi binabayaran o maliit lang ang bayad, kumikita lamang dahil sa mga tip
- Ay nagtatrabaho nang mahabang oras at/o hindi pangkaraniwan ang mga oras ng pagtatrabaho
- Ay hindi pinapayagang magpahinga/walang[break] na hindi naman pangkaraniwang paghihigpit sa trabaho
- Ay may ay malaking pagkakautang at hindi kayang bayaran ito
- Ay pumayag na magtrabaho dahil sa mga bulaang pangako ukol sa uri at mga kondisyon ng magiging trabaho
- Ay nasa mahigpit at hindi matatakasang lugar na pinagtatrabahuhan at/o tinitirahan (gaya ng mga bintanang hindi lampasan ang liwanag, rehas sa bintana, alambreng may tinik, security kamera, atbp.)
Hindi Mabuti ang Kalusugang Pisikal
- Mukhang mahinang kondisyon ng pangangatawan dahil sa di wastong pagkain
- Nagpapakita ng mga palatandaan ng pisikal at/o sekswal na pang-aaabuso, pisikal na pinipigilan, kinukulong, o labis na pagpapahirap
Walang Kapangyarihang Mamahala sa Kanilang Sarili
- May kakaunti o walang personal na mga pag-aari
- Walang kapangyarihang mamahala sa kanilang sariling pera, listahan ng kanilang mga pinagkakagastosan, o kaya’y pera sa bangko
- Walang kapangyarihan sa kanilang sariling dokumento ng pagkakakilanlan (ID o passport)
- Hindi pinapayagang makipag-usap o magsalita para sa kanilang sarili (ipinipilit na kailangang nila o dapat sila’y may tagapagsalita o taga-salinwika)
Ang mga nabanggit sa listahan ay ilan lamang sa mga napiling maaaring mga palatandaan. Ang mga hindi mapag-aalinlanganang mga palatandaan ay maaaring hindi makikita sa lahat ng mga kaso ng trafficking at hindi madaragdagan. Upang madagdagan ang kaalaman puntahan ang www.traffickingresourcecenter.org; www.polarisproject.org. Sa iba’t ibang paraan nangyayari ang human trafficking, kasama na rito ang sapilitang pagtatrabaho at sekswal na pagsasamantala. Kung sa inyong paniniwala, nakakaranas kayo ng trafficking, o para sa karagdagang impormasyon kung paano malalaman o pagbibigay-alam sa posibleng trafficking, tawagan ang National Human Trafficking Resource Center hotline sa 1-888-373-7888, o mag-teks “HELP” o “INFO” sa 233733
Ang mga kawani ng AIJ ay nagbibigay ng lubos na pagtulong sa mga nakaligtas sa human trafficking, kasama rito ang mga US citizens, mga imigrant, at mga kabataan. Ang mga serbisyo ng AIJ para sa mga nakaligtas sa trafficking ay libre, at kasama rito ang legal na tagapagtaguyod na may kaalaman sa trauma, legal na pagkatawan, at tulong sa pagsusuri ng mga serbisyong panlipunan.
Ang AIJ ay sadyang tumutulong sa mga nakaligtas sa human trafficking na makakuha ng mga kakaibang proteksyon na maaaring maibigay sa mga imigrant na mga biktima ng human trafficking. Kasama sa mga proteksyon ay ang:
- Mga visa para sa mga imigrant na biktima ng human trafficking
Pagtulong sa pagkuha ng mga dokumento para sa mga imigrant na nabiktima ng trafficking nang papunta dito o sa loob ng Estados Unidos, bigyan sila ng proteksyon at pahintulutang tumulong sa imbestigasyon/pag-uusig sa trafficker
- Patuloy na Pagharap para sa mga imigrant na biktima ng human trafficking.
Pagtataguyod sa pagkakaroon ng pansamantalang mga proteksyong pang-imigrasyon na nagpapahintulot na makakuha ng trabaho at mga dokumentong hindi kaugnay sa trafficker
- Makakuha ng mga serbisyong panlipunan
Pagtulong sa pagtatamo ng mga serbisyong panlipunan na maaaring magamit ng mga imigrant na biktima ng human trafficking at iba pang krimen
Ang Victims of Trafficking and Violence Protection Act (VTVPA) ay lumikha ng dalawang uri ng mga nonimmigrant visa, U visa para sa mga biktima ng ilang uri ng krimen at T visa para sa mga biktima ng trafficking. Ang mga non-immigrant na visa ay nagbibigay ng pansamantalang kalagayan sa mga imigrant sa Estados Unidos na mga biktima at naging biktima ng malalang uri ng trafficking o ng sinumang biktima ng gawaing kriminal na dumanas ng malubhang abusong pisikal at pangkaisipan. Ang layunin ng batas na ito ay upang masugpo ang trafficking sa mga tao, lalung- lalo na ang pagbebenta ng seks o laman, pang-aalipin, at sapilitang paninilbihan at muling pagpapahintulot ng ilang mga programang pederal upang mapigil ang karahasan laban sa mga imigrant na kababaihan at mga bata. Nagbibigay ito ng benepisyo sa mga imigrant na katulad sa ibinibigay sa mga [refugee]/ mga takas sa kanilang sariling bansa, at magkakaroon din ng karapatang maging permanenteng residente.
- U visa para sa mga Biktima ng Krimen
- Ang U visa ay ibinibigay sa mga taong naging biktima ng ilang mga uri ng gawaing kriminal, o sinumang may impormasyon ukol sa ganitong gawain. Lahat ng mga aplikante ay kailangang magpakuha ng fingerprint para masuri kung sa nakaraan ay nakagawa sila ng krimen at hindi na sila kailangang pang kapanayamin ng tagasuri sa USCIS (ang dating INS). Ang mga aplikante ay bibigyan ng karapatan magkaroon ng pahintulot na makapagtrabaho/work permit sa sandaling maaprobahan. Ang mga taong nabigyan na ng U visa ay maaaring maaaring maging legal na permanenteng residente makalipas ang tatlong taon na mabigyan sila ng U visa. Ang mga derivative visa ay makukuha rin ng mga asawa, mga anak, mga magulang, o sa ilang mga kaso mga kapatid ng pangunahing aplikante. Hanggang 10,000 visa lamang ang ipinagkakaloob sa loob ng isang taon, para lamang sa mga pangunahing aplikante at hindi sa mga derivatives. Kung walang makukuhang numero ng visa sa oras na naaprobahan na ang aplikasyon , ilalagay ang aplikante sa waiting list/listahan ng mga naghihintay , at bibigyan ng pansamantalang katayuan sa imigrasyon at pahintulot na makapag-trabaho hanggang sa magkaroon na ng numero.
Mga Kakailanganin Upang Maging Karapatdapat sa U Visa
- Dapat na isang biktima, may kaugnayan sa biktima, o karapatdapat na nakasaksi na nagdusa ng matinding pisikal o pangkaisipang pang-aabuso na naging resulta ng krimeng pang-gagahasa, labis na pagpapahirap, trafficking, pakikipagtalik sa malapit na kamag-anak, karahasan sa tahanan, sekswal na pagsalakay, mapang-abusong pakikipagtalik, prostitusyon, pagsasamantala sa seks, pagputol sa bahagi ng ari ng babae, bihag na panagot o hostage, pagpapaalila hanggang sa makabayad ng utang, sapilitang paninilbihan, pagbebenta ng alipin, kidnapping, pagdukot ng tao, hindi legal na pagpipigil sa kriminal, hindi tamang pagpapakulong, pangunguwalta, pangingikil, pagpatay ng tao, pagsalakay para pumatay, pakikialam sa saksi, paghahadlang sa katarungan, panunumpa nang walang katotohanan, o tangkang pakikipag-sabwatan, o pagsusulsol na gawin ang alinman sa mga nabanggit na mga krimen, o mga katulad na gawain.
- Ang biktima, may kaugnayan sa biktima, karapatdapat na nakasaksi ay mayroong impormasyon ukol sa gawaing kriminal.
- Dapat na mapatunayan ng nagpapatupad ng batas na ang biktima ay naaasahan, o maaasahang maging matulungin sa pagsisiyasat , o pag-uusig sa gawaing kriminal.
- Dapat na nilabag ng gawaing kriminal ang batas ng Estados Unidos o nangyari ito sa Estados Unidos (kasama na rito ang bayan ng mga Indian at ang mga itinalagang lugar ng militar) o ang mga teritoryo at mga pag-aari ng Estados Unidos.
- Dapat na ang biktima ay matatanggap ng Estados Unidos, o karapat-dapat para talikdan ang mga dahilan na hindi matatanggap.
T Visas Para sa mga Biktima ng Trafficking
- Ang mga T Visas ay maibibigay sa mga biktima na nakaranas ng “malalang uri ng trafficking sa mga tao.” Kinukunan ng fingerprint ang lahat ng mga aplikante para masuri kung sila may kriminal na nakaraan at maaari ring kailanganin nilang sumailalim sa isang panayam o [interview] ng USCIS (dating INS) ng isang taga-suri. Ang mga aplikante ay makakakuha rin ng mga pahintulot na makapatrabaho/[work permits] sa sandaling maaprobahan. Ang mga taong nagtamo na ng T Visa ay maaaring magpalit sa kalagayang legal na permanenteng residente makalipas ang tatlong taon na mabigyan sila ng T Visa. Ang mga taong nabigyan na ng U visa ay maaaring magpalit sa kalagayang legal na permanenteng residente makalipas ang tatlong taon na mabigyan sila ng U visa. Ang derivative visa ay makukuha rin ng mga asawa, mga anak o mga magulang ng pangunahing imigrant. Hanggang 5,000 T-1 visa ang ipinagkakaloob sa loob ng isang taon, para lamang sa mga pangunahing aplikante at hindi para sa mga asawa, anak o mga magulang. Kung walang makukuhang numero ng visa sa oras na naaprobahan na ang aplikasyon , ilalagay ang aplikante sa waiting list/listahan ng mga naghihintay , at bibigyan ng pansamantalang katayuan sa imigrasyon at pahintulot na makapag-trabaho hanggang sa magkaroon na ng numero.
Mga Kakailanganin Upang Maging Karapatdapat sa T Visa
- Dapat na biktima, na nakaranas ng “malalang uri ng trafficking sa mga tao.” Kasama na rito ang:
- trafficking na may kinalaman sa pagbebenta ng gawaing seks na itinulak sa pamamagitan ng dahas, panlilinlang o pamimilit, o isinagawa ng isang taong naging biktima ng trafficking na wala pang 18 taong gulang, o nangangalap ng tao sa pamamagitan ng dahas, pandaraya, o pamimilit “para sa hangaring pagpapasuko na hindi kusang- loob sa pagka-alipin, pagpapaalila hanggang sa makabayad ng utang, pang-aalipin dahil sa pagkakautang, pambubusabos.”
- Ang tao ay dapat na narito sa Estados Unidos upang masabing naging biktima ng trafficking.
- And tao ay dadanas ng matinding hirap kabilang ang di pangkaraniwan at malubhang pinsala kung sila’y paaalisin sa Estados Unidos.
- Ang tao ay nakasunod sa mga makatwirang kahilingan na tumulong sa pagsisiyasat o pag-uusig ng trafficking o siya’y wala pang 18 taong gulang. Kung kinakailangan ang mga imigrant na 18 taong gulang o higit pa ay dapat ding magharap ng pagsang-ayon ng isang ahensiyang nagpapatupad ng batas. Hindi na kailangang patunayan pa ng mga batang biktima na wala pang 18 taong gulang ang kanilang pagtulong sa nagpapatupad ng batas sa kanilang pagsisiyasat at pag-uusig sa kanilang mga traffickers.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng AIJ, tumawag lamang sa opisina sa Anchorage 907-279-2457, o sa opisina sa Juneau 907-789-1326.